Thursday, April 27, 2006

Voltes V



Una sa lahat, credit sa www.pinoycartoons.com. Kung wala yun, wala ito. Dun ko dinownload at nabuo yung 40 episodes ng Voltes V, Pinoy version. Hindi yung tinagalog kundi yung version nung panahon ni Makoy with Joonee Gamboa (si Gener sa Daddy Di Do Du) voicing both Dr. Smith and Dr. Hook.

Pangalawa, pang-pc lang yung quality ng video. Kung gusto niyo ng dvd-quality, I suggest you buy the original vcd/dvd sa video/record stores. Available siya (pati Daimos, meron). Sa Quiapo, meron pa yung original Japanese dvd.

So, ano pa'ng hinihintay niyo?
LET'S... VOLT... IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNN!!!!

taran-tan-taraaaaaaaaaan...tan-tan...


01 - Invasion From Outer Space
02 - The Fate Of Planet Earth
03 - Modest Help From The Beyond
04 - The Secret Skill To Catch A Butterfly
05 - A Model Ship Brings Big Falcon To A Crisis
06 - Mark And His Thoroughbred Horse, Alpha
07 - Voltes Team's New Member, Octo-1
08 - A Conspiracy Against Prince Zardoz
09 - Jamie's Dream Forbode Disaster
10 - Voltes Docking Unsuccessful
11 - The Recovery Of Voltes V
12 - Voltes Revived From The Dead
13 - The Truinph Of Human Love
14 - The Trap Of Slave Island
15 - The Present From The Emperor
16 - The Destruction Of Big Falcon
17 - The Urgent Need For Rigid Training
18 - Father, The Earth Is Near
19 - Dr. Armstrong's Rescue
20 - The Mysterious Letter Written In Blood
21 - Zuhl's Evil Scheme
22 - The Death Of The Boazanian Advisor, Zuhl
23 - Voltes V Learns A Lesson From A Puppy
24 - The New Enemy, Gen. Ozlack From Boazania
25 - Ultra Electromagnetic Beast Cannon
26 - Volt-in With The Mysterious Mechanical Eagle
27 - The Mechanical Eagle's Secret
28 - The Mystery Of Zardoz' Past
29 - A Boazanian Fighter's Tragedy
30 - Zandra's Sacrifice
31 - Commander Robinson's Falling Star
32 - Draco's Capture
33 - Draco's Plan
34 - The Deadly Seeds Of Hate
35 - A Father's Last Wish
36 - The Traitor Within
37 - The Ultimate Battle For Planet Earth
38 - Battle Forth To Boazania
39 - The War Of Two Worlds
40 - The Liberation

42 Comments:

Anonymous Anonymous said...

thnx again rockett i really love this movies(voltes V)......i owe you man:)
by the way paano mo nga pala na record sa www.pinoycartoons.com itong movies?pwede po bang paturo?thnx in advance.....i will never forget your name.............God Blessed Us..

9:48 AM  
Blogger DESISYON 2007 said...

actually, bro, antagal naming pinag-usapan ni alvarez bobby sa forum kung paano ko nga ba nai-record yung bawat episode e. nagpasikot-sikot pero hindi ko ata natumbok mwehehe... basta nung nadiskubre ko, hala! hinataw ko na agad.

kung maalaala ko man, medyo dyahe naman ata sa pinoycartoons kung ibubukadkad ko dito sa blog. malaki ang utang na loob ko, natin, sa site na yun. sapat na siguro itong may option ang bawat isang panatikong tagasubaybay ng voltes v.

harinawa ay may mapulot akong dalawang libong pisong pakalat-kalat sa daan para naman mabili ko yung buong daimos sa video city. mwehehe...

11:51 PM  
Anonymous Anonymous said...

Thanks for this!

I can't wait to download all of them from you!

Your effort is highly appreciated pre!

Salamat ng marami!

5:33 PM  
Blogger DESISYON 2007 said...

walang anuman, suman. mwehehehe

10:53 PM  
Anonymous Anonymous said...

Thanks for this. I can't wait to get the rest (",)

2:04 AM  
Anonymous Anonymous said...

Hi rockett!

Thanks. Sana maupload mo na yung rest. Cant wait to get them. Me and my friends downloaded it at the same time so we get it easily. :)

2:44 AM  
Blogger DESISYON 2007 said...

medyo hirap ang uploading lately. saka may konting backlog sa work. habulin ko muna. pero wag mag-alala. ipoposte ko lahat hanggang episode 40. konting tiis muna.

12:45 PM  
Anonymous Anonymous said...

daming salamat, Rockett..

man, you just gave me a blast in the past! daming salamat ulit & God bless u..


-aRthuR
atoy9724 at gmail..com

1:00 PM  
Anonymous Anonymous said...

Madameng madameng salamat rockett!

Mapapanood ko rin sa wakas at maisasave pa ang complete episode!

mabuhay ka!

1:13 AM  
Anonymous Anonymous said...

Great 3 na lang !!! Keep them coming :)

Voltes V !!!!

12:44 AM  
Anonymous Anonymous said...

Pre 3 na lang please upload them all :)

Bitin eh :)

11:57 AM  
Anonymous Anonymous said...

Waaah sana madownload ko lahat bago mag-expire link :P

You da man Rockett Ride!

3:26 AM  
Anonymous Anonymous said...

Last three.....

can't wait....

you're d man.........

tenks....

1:42 PM  
Anonymous Anonymous said...

sana malapit n....

3 n lang

maraming slamat

1:43 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hay sa walkas!!! Maivovolt in ko na rin ang istorya after all those years. 3 na lang malalaman ko na rin ang nangyari sa huli. Ang galing mo talaga Rockett. Saludo kami sa yo!

Andy

12:56 AM  
Anonymous Anonymous said...

Dong bitin ang istorya. Papost naman ng natitirang 3 episodes.
Thanks.

4:05 PM  
Anonymous Anonymous said...

Sana di ka na busy sa work ...

sana maupload mo na ang lahat ng episodes ...

sana ...

sana magkaroon ka na ng 2000 para makabili ka na ng dvd na gusto mo hehehe

sana ...

2:49 AM  
Blogger DESISYON 2007 said...

This comment has been removed by a blog administrator.

1:29 PM  
Anonymous Anonymous said...

Wow informative trivia!

Thanks. Just here waiting patiently for the last finale episodes.

11:36 AM  
Anonymous Anonymous said...

Yahooooo! Let's volt-in!!!

One more episode then it's complete!

thanks Rockett!!!

10:23 AM  
Anonymous Anonymous said...

Salamattttttttttttt!!!

Avid fan ako nito!! Swerte ko at nadiskobre ko ang iyong websayt!

Sana ngayong linggo ay maupload mo na lahat!!

4:45 AM  
Anonymous Anonymous said...

Pre galing mo!

Thanks. Isa na lang ang kulang :)

6:12 PM  
Anonymous Anonymous said...

I can't wait for the last one. Im despearate!!!

Rockett please upload it!!!!!

Jamie (,")

4:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

bro, upload mo ang last episode please!!!!

thank you!

2:26 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ako ay isang pinoy dito sa ibayong dagat. Akoy tuwang tuwa dahil medyo nabawasan ang aking lungkot. Salamat kay Rockett.

Mga prends... para sa mga di makadownload sa megaupload. Kapag exceed na ang limit may paraan pa!!!!

Kapag blocked ang server ikaw ay wala ng pag-asa kungdi tigilan ang pagdownload dahil bawal sa iyong kumpanya.

Ngayon pano magdownload kung exceed na ang limit? Madaling lang kabayan.

Idownload ang program na Universal Downloader. Ito ay makikita sa http://www.dimonius.ru

Pagkainstall pwede mong piliin ang English language. Ayan pwede mo ipaste lahat ng link ng megaupload sa queue. Magsawa ka ng kadadownload. Isang paalala lang, yung link ni rocket may pangontra na iyon sa exceed limit. Kailangang ibalik muna sa dating orihinal na megaupload link ang mga iyon bago ipaste sa Universal Downloader.

Kung blocked naman ang site sa inyo, iyan ay may dahilan. Siguro di pa nalalaman ng admin nyo na nakakadownload ka pa. Maniwala ka sa hindi, kapag nahuli ka sa mga susunod na araw, baka matanggal ka pa sa trabaho kaya tigilan ang pagdwonload at humanap ng ibang solusyon.

Yung di naman makahintay, kabayan antay lang! Isa na lang naman.

Sana ay tumigil na ng kangangawa ang mga kabayan natin.

1:05 PM  
Blogger DESISYON 2007 said...

salamat sa pang-unawa ni anonymous.

yung naiposte ko sa main page e last option lang naman; lalo na sa mga talagang nadedesperado. dehado nga lang yung mga nasa ibayong dagat at medyo magastos yung magpa-courier pa sa abroad.

pero, kunsabagay, sulit din naman siguro. ako nga e naghintay ng halos dalawang dekada bago napanood nang buo ang series. hanggang episode 31 lang ang natapos ko bago ito pinutol ni apo lakay sa tv at hindi ko rin napanood yung isinapelikulang compilation ng natitirang episodes.

sa ngayon ay sinisikap ko nang i-UL ang episode 40. ayokong munang mangako na matatapos din ito ngayong linggo pero ang sigurado ako, tatapusin ko ang sinimulan ko.

pare-pareho lang tayong sabik sa voltes v, no?

o sha... shine naaaaaaaaaaaa...

2:16 PM  
Anonymous Anonymous said...

Salaaamattttttttt!!

Pre sana maupload mo na ang last episode!!!

Thanks

3:41 AM  
Anonymous Anonymous said...

wowwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww!!!!!!!!!!

Pre Salamat sa iyong kontribusyon!!!!!!!!!!


Sana ay pagpalain ka!

Thankkkkkkkkkk youuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!

Ito ang pinakamasayang araw ko (",)

2:53 AM  
Anonymous Anonymous said...

thank you, pare. pero hindi madownload. puwede gawin zip file tapos extract ko na lang.

9:40 AM  
Anonymous Anonymous said...

hindi madownload ang last episode. paki-winrar mo na lang.

10:25 AM  
Anonymous Anonymous said...

salamat sa voltes V, antagal ko rin hinanap 'to at noong una kong nakita last april sa kalibog download ko agad ang initial 26 episodes.
kaso umuwi kami ng pilipinas at di ko na nabantayan itong thread. hirap namn gamitin ng dial-up sa ganito dahil hikahos ang DL. kaya minabuti ko na lang na sana buhay pa links noong mga natitirang episodes. sa ngayon episode 40 ang kasalakuyang ko na download. sana maging active ulit ang episode 27 to 39. salamat ulit at sana mapagbigyan ang aking kahilingan :)

12:36 PM  
Anonymous Anonymous said...

Salamat salamat salamat salamat salamat salamat sa Voltes V.

Kulang pa ang sobrang tenkyu!


Grabe sobra na to! Nakompleto ko rin sa wakas. Hirap yata magrecord ng shows.

Salamat rocket!

9:47 PM  
Blogger DESISYON 2007 said...

una sa lahat, walang anuman. isang tenkyu lang e sapat na.

ikalawa, may itatanong lang ako, anonymous sa itaas. kung ngayon mo lang ito nakumpleto, paano mo ginawang malusutan yung "http://webwarper.net/ww/~av/ ek-ek?"
paki-share naman dito at nang ganun din ang gawin ng ibang nagrereklamo (kasama na ako dun) dahil sa webwarper.

ikatlo, ang rockett ay may dalawang "T." tawagin kaya kitang "anonymout," magustuhan mo kaya? okey lang siguro, no kasi hindi ka naman yun e, di ba? mwehehehe...

o sha... shine naaaaaaaa....

5:04 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hello Rockett!

I was lucky to complete the whole bunch pero when I watched Episode 24 its crashing when your on the 76% of the movie. I used different players and downloaded it twice pero wala pa rin. Any suggestion?

I out of pinas and this really helps me alot.

Thanks!

3:34 AM  
Blogger DESISYON 2007 said...

you're welcome.

nakowz... episode 24?!?! pivotal pa naman yan dahil unang appearance pa naman ni ozlack.

suggestion? e... download mo kaya ulit? kadalasan kasing dahilan ng crash ng file e yung biglang titigil yung pag-download. samakatuwid, bitin kaya hindi siya mag-play.

tanong ulet: paano niyo nalulusutan yung lintek na webwarper?

2:18 PM  
Anonymous Anonymous said...

Rockett,

almost impossible na makadownload sa megaupload kahit may webwarper pa.swerte ko di ako affected ng download quota ng megaupload kasi nasa area ako ng mundo na konti lang downloaders.

so yung may mabilis na connection mas maganda siguro panoorin nyo na lang ng live sa pinoycartoons site.

cheers.

1:26 PM  
Anonymous Anonymous said...

rockett,
ako ung nag-akalang patay na ang mga Ep 26 to 39 na links. tama nga nabanggit mo may makukunan na tip ung isa natin kabayan tungkol sa pagtanggal ng webwarper as address at dumiretso na lang sa mismong megaupload na link. subukan ko na rin ang nabanggit nyang universal uploader. otherwise tyagain ko na lang ito at balewala ito kng ihahambing sa tyag ng pag-upload na ginawa mo. salamat ulit ng marami :)

12:41 PM  
Anonymous Anonymous said...

Bakit ba kasi me webwarper pa?

Kasi para daw malusutan ang download quota ng Megaupload.

Pero di na yan gumagana kaya etong link na to

http://webwarper.net/ww/%7Eav/www.megaupload.com/?d=SSZDWK20

gawin nyong ganito at tyagain nyong magdownload.

Gud luck!
http://www.megaupload.com/?d=SSZDWK20

1:00 PM  
Blogger DESISYON 2007 said...

bro, ngayon mo lang ata kasi natuklasan yung site e.

dati kasi, pag diretso sa megaupload site, hindi ka basta makapasok. tapos, may nag-share na ilagay yung "http://webwarper.net/ww/~av/" sa unahan ng original url. thus, yun ang download links na inilagay ko sa lahat ng voltes v files (maliban sa episode 40) para naman madalian lahat, lalo na yung medyo hindi ganung kagaling sa net.

kaso, ngayon naman, iba ang nagbubukas na window pag kini-click yung link.

sa mga nag-uumpisa nang mabagot dahil hindi makapag-DL ng anuman sa mga files sa blog, basahin ang susunod na post. mukhang natsambahan ko kung paano niyo ulit mada-download yung files.

10:38 PM  
Blogger DESISYON 2007 said...

eto yung nasubukan kong procedure:

1. sabihin nating gusto mong i-download yung episode 31. e di iki-klik mo, di ba?

2. bubukas yung page na may dalawang banners na magkapatong. tingnan yung banner na nasa ibabaw. may nakasulat na "!Turn advert. off" sa bottom left nun.

3. i-klik yun. may bubukas na pop up:
"Do you really want to disable Webwarper advertisement for the nearest 18 hours? blah-blah-blah..."

4. klik lang yung OK. may bubukas uling pop up:
"Webwarper is turned off for nearest 18 hours. This change will take effect on the next viewed page."

5. klik yung OK. magre-reload yung page. makikitang iisa na lang yung banner. punahin ulit yung bottom left ng banner. "Turn advert. on" na ang nakasulat.

6. wag nang pansinin pa yun. tingnan ang URL box. episode 31 yung balak nating i-download, di ba? so, ang address ay:

"http://webwarper.net/ww/%7Eav/
www.megaupload.com/?d=79SLFJRB"

alisin sa mismong URL box yung:

"webwarper.net/ww/%7Eav/"

para ang matira lamang ay yung original megaupload address na:

"http://www.megaupload.com/?d=79SLFJRB"

7. pindutin ang "Enter" sa keyboard o i-klik yung "Go" button sa tabi ng URL box (alin man ang trip mo para mag-reload ang page).

8. bubukas yung mismong download page sa megaupload site. sa tabing kanan ng megaupload logo, may nakasulat na:

"Please enter ___ (yung three-character security code) here:"

9. i-type yung code sa box at i-klik yung "Download" button.

10. okay ka na.

11. sa susunod na download mo, magsisimula ka na sa item 6 ng procedure na ito.

12. di ko lang alam kung hanggang kelan talaga naka-off yung adverts. kaya, hatawin na lang nang husto ang pag-download para malubos.

13. o sha... shine naaaaaaaaaaaa...

4:26 PM  
Blogger DESISYON 2007 said...

jongski:

hi!

wow! nakarating na rin pala sa iyo yung blog ko, ha?

yun ang sinasabi kong "eventuality." if you'll notice the blog, may mga binigyan din akong deserved credit sa ibang areas. para kasi sa akin, libre na ngang ibinigay at napakinabangan ko na rin lang, ipagdaramot ko ba naman yung konting recognition komo hindi ko kilala? asan yung pagtanaw ng kapirasong utang na loob? besides, hindi naman sikat yung site ko kung ikukumpara sa iyo.

at kaya to return the favor sa iba, ikinakalat ko rin yung mga meron ako. kaya nga "file sharing," di ba? two-way street palagi dapat yan.

i could always ask you for copies, why not? pero ipinoste mo na nga, di ba? enough na yun. end ko na ang dapat gumawa ng paraan. hindi yung spoonfeeding style. yun ngang ibang nag-email, i just suggested na i-view na lang sa mismong site mo.

isa lang pala ako sa napakarami pang ibang mga nakinabang sa voltes v mo ang hindi nabuo ang 40 episodes ng series nung nasa tv pa ito. pabayaan mo yung mga hate mail mo. ika nga, "ang punong hitik sa bunga e binabato." pag-iinitan ka nila samantalang araw-araw nilang nadaraanan yung mga lantaran kung magbenta ng pirated dvds at x-rated sa bangketa? ito ngang voltes v on boxed set vcd (hindi pa dvd, ha?) pati daimos e last summer ko lang nakita sa legit market. di ko pa nga alam kung yung makoy-era version yun. baka japanese audio, english-subbed lang yun.

patuloy pa rin naman ang paghahanap ko ng ilan pang mga naging "kaklase" ni voltes v. medyo malayo lang ako sa metro manila kaya hindi ganung ka-diverse ang mapaghahanapan ng mga ganyang bagay. pero maraming mapagtatanungan. anyway, pag meron, i'll let you know. baka matiyempuhan natin yung candy candy.

wala ka pala sa pinas. interesado pa naman ako sa daimos mo kahit na kinikilabutan ako sa tuwing sisigaw si erica ng "richaaaaaaarrrrdddd!!!" gusto ko sanang magkaroon ng dvd copies at makapag-donate na rin kung kaya ko ang minimum.

maraming napasaya yung site mo. tumulong lang ako kaya ako ang dapat na magpasalamat.

10:01 PM  
Blogger TechBlogger said...

hey! nasaan ang episode 40?
bitin naman..

5:11 PM  

Post a Comment

<< Home